Menu
Toni Fowler, pinatanggal ang kanyang breast implants.

No more breast implants na si Toni Fowler.
Masayang ibinahagi ng content creator na si Toni Fowler na sa wakas ay ipinatanggal na niya ang kanyang breast implants sa loob ng 10 years.
Sa latest Youtube vlog ni Toni, ipinakita ng vlogger ang pagpapa-tanggal niya ng kanyang mga implants sa dibdib mula sa proseso hanggang sa kanyang recovery.
Ani Toni : “Inuna ko muna ‘yung ten years of relevance na celebration ko with the ToRo family, Inuna ko muna ‘yung mga trabaho ko, ‘yung mga dapat kong tapusin bago talaga ako magpa-opera.”
Chika pa ni Toni, simula raw na nagpa-lagay siya ng breast implants ay naging pangarap o naging fantasy na niya ang maging flat chested.
Aniya : “Buong buhay ko, hindi ko talaga na experience ang maging flat…kaya talagang naging fantasy ko talaga na maging flat…ewan ko… eh kasi diba ganon naman ‘yung buhay, kung anong wala sa’yo ‘yun ‘yung gusto mong ma-experience. Gusto kong maging flat talaga.”
Dagdag pa niya : “Kasi ang hirap na rin sa araw-araw ng buhay ko na palaging ang bigat-bigat ng dala ko…ang hirap…kaya it’s about time na tanggalin na ang nagpapa-kuba kay Toni Fowler.”
Marami naman sa mga fans ng vlogger ang nagbigay ng kanilang mga komento at masaya sila sa naging pasya ni Toni na magpa-tanggal ng kanyang breast implants.
Ani ng netizen : “Kase kapag umeedad na nakukuba na sa bigat ng boobilya. Ako nga naiinis ako sa boobilya ko kaya madalas naka sports bra ako hirap kase kapag tumatakbo umuuga uga.”
“true mommy oni ang hirap kapag malaki ang hinaharap ang sakit sa likod. how i wish pwedi tong minimize.”
Dagdag pa ng isa : “10yrs na sulit na. Baka need na talaga remove. Any foreign object na ininject or pinasok sa katawan mo baka may effect din yan. Kaya mas mainam ang natural.”



