Toni Fowler sa kaso ni Rob Moya : “Ayoko masali sa ganito.”

Nilinaw ni Toni Fowler na wala na siyang koneksyon kay Rob Moya.

Nanawagan si Toni Fowler sa kanyang mga fans na huwag siyang idamay sa issue at kaso na kinakaharap ngayon ni Rob Moya.

Hindi lingid sa marami na si Rob ang dating kinakasama ni Toni, silang dalawa rin ang nag-umpisa ng ‘ToRo family’ na ang ibig sabihin ay Toni at Rob.

Ngunit sa kasalukuyan, may kinakaharap na malaking kaso si Rob o mas kilalang Angelo Robert Y Bonoan Jr. sa likod na camera. Kumalat kasi ang mugshot nito na may petsang April 10, 2026 dahil sa paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code o falsification of public documents.

Dahil si Rob ay dating kinakasama ni Toni, hinahanap sa kanya ng mga fans kung nasaan nagtatago sa kasalukuyan ang vlogger. Dito na naglabas ng pahayag si Fowler at nilinaw na ayaw niyang madamay sa kaso o anong issue ngayon ni Moya.

Ani Toni : “Gusto ko lang klaruhin na ngayon ko lang din yan nakita. Matagal ko na siyang hindi nakakausap dahil busy ako sa buhay na meron ako ngayon. Dumalaw lang siya sa amin ng Toro Family nung pasko. Wala na po kaming communication sa kanya kaya wag niyo pong hanapin sa akin.”

Dagdag pa niya : “Talagang ka-klaruhin ko pangalan ko sa part na yan kasi NEVER ako nagka-issue sa pera pera na ‘yan, at may mga anak na ‘ko. Ayoko masali sa ganito.”