
Robin Padilla Says He Is Not Afraid of Jail over Obstruction Case.
Manila, Philippines – Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla na hindi siya natatakot na makulong ulit kahit hatulang ‘Guilty‘ sa kasong Obstruction Of Justice.
Kung ating babalikan, naisulat ng Rappler ang tungkol sa subpoena na ipinadala ng DOJ o Department Of Justice kay Robin noong September 15. Ito ay kaugnay parin sa diumano’y pagpapatakas ni Padilla kay Bato dela Rosa sa Senado noong May 14.
Ani ni DOJ Spokesperson Raphael Martinez : “The Department confirms that subpoenas were served on Sen. Robinhood Padilla and Lt. Col. Jean Alla Yasin Robles at around 2:30 pm today at the Senate, in connection with the pending complaint against them for alleged violation of PD 1829.”
September 25, personal na nagtungo si Robin sa Department Of Justice para sa preliminary investigation hearing ng kanyang kaso. Nagpasalamat rin ang action star sa kanyang mga tagasuporta na hindi inaasahang nagtungo sa DOJ.
Ani Robin : “Bagamat ako po ay naguguluhan na rin sapagkat hindi ko po alam kung saan ako nagkamali. Opo, hindi ko alam. Maingat na maingat po ako na magkamali sapagkat nangulungan na po tayo at ayaw na nating magkaroon pa ng suliranin sa batas. Pero dumadating ito sa ating buhay. Hindi ko naman po ito tinitingnan na masama. Sabi ko nga po, lahat ng bagay na dumadating ay may ibig sabihin.”
Dagdag pa niya : “Kung ito po ay matutuloy talaga tayo sa kulungan ay alhamdulillah. Hindi po natin kinakatakutan iyan sapagkat ang pangungulungan, ang tingin po natin diyan, ay mapapalapit tayo uli sa Allah Subhanahu wa Ta’ala.”



