Menu
Bring it on : Bato dela Rosa, wanted na ng ICC?

ICC, na ‘bring it on’ na ang arrest warrant ni Bato dela Rosa?
Muling pinag-usapan ang paghahamon ni Bato dela Rosa sa ICC ng bring it on sa kanyang warrant of arrest kamakailan.
May 8, Lumabas kasi ang mga bali-balitang inihain na ng ICC o International Criminal Court ang warrant of arrest ni Bato para sa kanyang pagka-dakip.
Kaugnay parin ito sa pakikipag-sabwatan diumano ni Bato sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte sa Philippines ‘War on Drugs’ at sa EJK o Extrajudicial killings.
May 9, inutusan naman ni Robin Padilla si Bato na huwag itong lumitaw at sumuko sa ICC.
Ani Robin : “Kung ang humahanap kay Bato ay Philippine law, ako pa ang magsu-surrender, pero hangga’t dayuhan, hindi kaya ng puso ko…Kapag ibinigay ko si Bato, nagtaksil na ako kay Andres Bonifacio.”
Dagdag pa niya : “Never—wag tayo magsusuko sa dayuhan.”
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pahayag tungkol sa warrant ni Bato mula sa ICC.
Anila : “kung innocent siya then the legal process will clear him pero kung guilty then consequences talaga.”
“Bring it on! Make my day!yan ang sabi ni bato kay sonny trillanes! Oh Ayan na bato! Dumating na ! Bakit hindi kapa. sumama!!!. di ba sabi mo bring it on!!?? Hinamon mo pa nga si trillanes di ba? Sama.kana kasi! Huwag mo na pahirapan pa ang sarili mo! Ahahaha.”
Dagdag pa ng isa : “dela rosa spent years acting tough so ngayon dapat kaya rin niyang harapin ang consequences.”



