Robin Padilla, pinayuhan si Bato dela Rosa na huwag lilitaw.

May payo si Robin Padilla kay Bato dela Rosa.

‘Huwag kang lilitaw’. ‘Yan ang pahayag ni Robin Padilla tungkol sa bali-balitang inilabas na ng ICC ang warrant ni Bato dela Rosa.

Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan ang tungkol sa warrant of arrest ni Bato noong May 8. Anytime soon raw ay ipapadakip na ito.

Inihanda na rin ng mga awtoridad ang 10,000 na mga Pulis upang tulungan ang InterPol o International Criminal Police Organization na madakip agad si Bato.

Ani Remulla : “As of latest update, the DILG is preparing a 10k task force for the dragnet operations in case a warrant of arrest for Senator Bato is issued.”

Payo pa ni Robin : “Kung ang humahanap kay Bato ay Philippine law, ako pa ang magsu-surrender, pero hangga’t dayuhan, hindi kaya ng puso ko…Kapag ibinigay ko si Bato, nagtaksil na ako kay Andres Bonifacio.”

Dagdag pa niya : “Never—wag tayo magsusuko sa dayuhan.”

Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens tungkol sa naging payo na ito ni Robin kay Bato.

Anila : “Dear Robin, To say , Ikaw ang magsusurender kay Bato, implies that you are Harboring him, which also implies you are harboring a Fugitive, which is punishable by law.”

“Kung naniniwala tayo sa rule of law, dapat maintindihan na ang international law ay hindi basta ‘dayuhan’ lang. Bahagi ito ng mga kasunduang pinasok mismo ng Pilipinas bilang isang soberanong bansa.”

Dagdag pa ng isa : “That means he knows where Bato is hiding ,NBI and DILG give you guys a hint from Padilla.”