Original singer ng ‘Hawak Mo Ang Beat’, ipinakilala na.

Sino kaya ang original singer ng kantang Hawak Mo Ang Beat?

Ipinakilala ng French musician na si Sylvain Hernandez o mas kilalang Dj Mogo ang original singer ng viral song na ‘Hawak Mo Ang Beat’.

Unang sumikat ang kanta sa social media na sinayaw ng mga content creator na si Ian Mark Kamangkang at Nikko Natividad na pinag-usapan online.

Binigyang diin rin ni Dj Mogo na ang beat ng kanta ay hindi gawa sa AI o Artificial intelligence, dahil siya raw mismo ang nag-timpla at nag-composed ng kantang Hawak Mo Ang Beat.

Ani Dj Mogo : “Zero AI. 100% authentic. 100% love for the Philippines. I just want people to focus on the music itself, If you like the beat and the energy, then tara, let’s dance.”

Sa guesting naman ni Dj Mogo sa DWAR Abante Radyo, ipinakilala na niya ang boses na nasa likod ng kanta. Ang singer pala ng Hawak Mo Ang Beat ay si Shane Reyes.

Tila pag-kumpirma na rin ito na hindi talaga gawa sa AI ang kanta. Pero marami parin sa mga netizens ang hindi naniniwala na ito ay gawa ng tao.

Ani ng netizens ; “Pinu-push talaga na hindi AI-Generated ang buong song. Nakahanap ng kaboses yung DJ Mogu Mogu!”

Dagdag pa ng isa : “Di nalang aminin na Ai sarap sampalin netong dj nato yang lalake na yan nag cover lang ng kanta sya na orig.”