Sinagot ng dating aktres at kasalukuyang Mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Niña Jose ang tungkol sa usap-usapan na may sakit siya dahil sa labis na pagpayat.
Kung ating babalikan, si Niña ay dating Pinoy Big Brother housemate ng Teen Edition sa ABS-CBN kaya naman labis na nagulat ang mga netizens sa bago niyang look ngayon.
May mga social media post pa na kalakip ang kanyang larawan noon sa ngayon at may caption pa na ‘Before and After look‘.
Niña Jose addresses Weight Loss rumors.
Agad na sinagot ng alkalde ang mga haka-haka sa social media at nilinaw na ang kanyang pagpayat ay hindi dahil siya ay may sakit o malubhang karamdaman.
Ani Niña : “Thank you for the engagement guys—kahit nega ‘yung iba, nagulat ako dahil lang sa picture ko pa talaga. Thank you. By the way, wala akong sakit. Sadyang gusto ko lang maging skinny. “
Paglilinaw pa niya : “But thank you for the concern ah. Kahit may ibang pressing matters, ‘yung itsura ko pa talaga ang pinag-uusapan.”
Dagdag pa niya : “Nakakatawa lang kasi when I was bigger tawag sa akin aparador; nung puti face ko chimchamchu; ‘yung payat naman ngayon kalansay or tarsier. But in all that, I can say madami affected sa akin.”
Niña shares Fitness Journey and Thanks her Coaches.
Nagbahagi rin ang dating aktres ng isang larawan sa social media habang siya ay abala sa gym. Nagawa rin nito na magpasalamat sa kanyang mga coaches.
Ani ng Mayor : “Stay Strong and roll with the punches!!! Hahaha thank you coach Jayson and coach kit for my muscles!!!! Hahahaha skinny and strong dibaaahhhhh hahahaha inuunahan ko na Baka kita naman stretchmarks ko, proud parin ako kasi warrior stripes ko yon.”




