Jeo Ong joins PBB Collab 3.0 as official housemate

Isa ang content creator na si Jeo Ong sa mga ipinakilalang bagong official housemates sa Pinoy Big Brother : PBB Collab 3.0 ng ABS-CBN at GMA Network.
Jeo Ong introduced as an official PBB Collab 3.0 housemate
Dahil sa pagpasok ni Jeo sa Bahay ni Kuya, mas maraming viewers at Ong Fam fans ang magkakaroon ng pagkakataon na mas makilala si Jeo beyond his social media presence.
Siya ay may PBB moniker na “Ang Adventure Boy-Next-Door ng Palawan”.
Inaasahan ng mga netizens na maipapakita ng content creator ang kanyang tunay na personalidad, pakikitungo sa ibang housemates at kung paano niya haharapin ang iba’t ibang challenges sa loob ng PBB house.
Ani Jeo : “Sa lahat ng adventures na narasan ko.. kasama ko palagi ang pamilya ko, pero ngayon? ako lang mag-isa. Ako lang mag-isa ang susubok sa bagong journey na ‘to, dahil ang bago kong destinasyon.. ay ang Bahay Ni Kuya..”
Netizens react to Jeo Ong’s PBB Collab 3.0 entry
Marami naman sa mga netizens ang sobrang excited nang mapanood si Jeo sa loob ng bahay ni kuya, may iilan sa kanila ang nagsasabing mas tataas pa raw ang viewers ng bagong season dahil sa content creator.
Ani ng netizen : “Mas madami viewers ni jeo PALDO na naman si kuya, Lans or geo ong? Parang mahihirapan ang mga mag vote haha.”
“Kaka online ko bakit nyu pinasok sa bahay ni kuya si jeo ong??? Wala na big winner na agad. viewers pa lang hahatak na ng mga Ong Fam fans.”
Dagdag pa ng isa : “Dahil sayo jeo ong always nako manonood nang pbb kaya galingan mo at gudlock, Record breaking to sureness ahahah.”
