Lans Nagal faces backlash after calling Jeo Ong “Bebe”

Nakatanggap ng samu’t-saring batikos sa social media si Louise Anne Nagal o mas kilalang ‘This Is Lans’ matapos niyang tawaging “Bebe” ang kapwa PBB housemate na si Jeo Ong.

Lans Nagal calls Jeo Ong “Bebe” inside the PBB House

Nangyari ang insidente na pagkadulas ng dila ni Lans habang siya ay naghuhugas ng pinggan sa kusina ng PBB house.

Habang abala, bigla niyang nasabi ang linyang, “Oh bebe, ay bebe, Jeo oh!”. Makikitang may inaabot si Lans na hinugasan niyang baso para kay Jeo.

Netizens question Lans Nagal’s interaction with Jeo Ong

Pumalag ang ilang netizens sa isang video clip na kumalat online na kuha mula sa livestream ng PBB Collab 3.0.

Ani ng netizens :

Tapos sasabihin kasalanan naming mga lalaki HAHAHAHAH.

Lumalamig na ang kalsada kumpadre hahhahha.

Diba may boyfriend ‘tong lans sa labas? bat parang nagpapansin kay jeo. loveteam ata pinunta niyan sa pbb.

Other netizens defend Lans, Say “Bebe” can be a casual nickname

Marami naman sa mga netizens ang nagawang ipagtanggol si Lans dahil uso talaga ngayon ang tawagang bebe. May nagsasabi rin na baka ang tingin ng vlogger kay Jeo ay Baby brother lang naman.

Anila :

That’s Normal naman dito sa Lugar namin lalo pag Younger age sakin ganyan din ako, parang siblings vibe lang.

Some of my friends and workmates call me bebe also just because its either im younger or they see me as a sibling.

Ako nga dami ko tinatawag na bebe eh. Wala naman issue.

Lans reportedly has a Boyfriend outside the PBB House

Hindi lingid sa marami na bago pa man pumasok si Lans sa PBB ay may boyfriend na siya sa labas ng bahay ni kuya.

Ang bf ni Lans Nagal ay katuwang rin niya sa pagbuo ng mga contents na ibinabahagi niya sa social media.

Share this article :