Lans Nagal joins PBB Collab 3.0 as official housemate

Sobrang na-excite ang mga netizens sa bagong journey ni Lans Nagal o mas kilalang ‘This is Lans‘ sa social media matapos itong ipakilala bilang new official housemate sa PBB Collab 3.0 ng ABS-CBN at GMA Network.

Who is Lans Nagal, also known as This Is Lans?

Hindi lingid sa marami na ngayong taon lang sumikat si Lans sa mundo ng social media dahil sa high-quality, informative at well-researched contents na ibinabahagi niya sa kanyang mga followers.

Si Lans ay taga-Cavite at isang veterinary medicine student. Siya ay may PBB moniker na “Ang Vetmed Content Creator ng Cavite“.

Sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz at mapabilang sa mga bagong set of new housemates, gusto niyang mas makilala pa ng marami ang tunay na siya sa likod ng camera at videos na ibinabahagi niya online.

Ani Lans : “Gusto ko na makilala nila ‘yung totoong Lans behind sa nakikita nilang 3 minute video, 10 minute video na ina-upload natin on social media.”

Netizens react to Lans Nagal’s PBB Collab 3.0 entry

Marami naman sa mga fans ang sobrang excited sa pagpasok na ito ni Lans sa bahay ni kuya, tila nakikita rin nila na hindi malabong isa ang content creator sa mananatili hanggang dulo.

Ani ng netizen : “Ano ba yan, pinakilala palang si This is Lans mukhang alam na agad kung sino ang Big Winner.”

“This is lans alam nyo ba ang ibat ibang ugali Ng tao sa bahay ni kuya?……dito ko pa lng makikita..”

Dagdag pa ng isa : “This is lans.. alam na ksi nila na sikat kana kaya kinuha ka nila bilang housemate para tumaas ang rating nila dahil sa followers mo.”

Share this article :