Menu
Kim Domingo, ibinandera ang Thai boyfriend.

May boyfriend naman pala si Kim Domingo.
Todo flex si Kim Domingo ng kanyang Thai boyfriend matapos ang chismis na may relasyon diumano siya sa Congressman na si Claude Bautista.
Sa kanyang social media posts, ibinahagi ni Kim ang larawan nilang dalawa na nakatalikod na may suot na traditional Korean clothes habang nakatanaw sa pamosong Korean tower.
Caption pa ng sexy aktres : “No matter how loud the world is, you’ll always be my quiet place. And years later, it’s still us. Happy 3rd anniversary my love.”
Kung ating babalikan, naging laman si Kim ng chismis dahil sa pa-blind item ng pambansang marites na si Christian Albert ‘Xian’ Gaza.
Ani Xian : “Ang nasabing famous celebrity ay yumaman ng husto kakaharvat ng matandang mayaman for the last 11 years. Ang favorite gift na palagi niyang hinihingi ay house & lot. Kompirmd 100%.”
Nakilala naman ng mga netizens sa Reddit ang lalaking kasama ni Kim na nasa larawan ni Gaza at ito raw ay si Cong. Claude Bautista ng Davao Occidental.



