Kathryn Bernardo, spotted with boyfriend Mark Alcala sa Thailand.

Boyfriend na nga ni Kathryn Bernardo si Mayor Mark Alcala.

Usap-usapan sa Reddit sina Kathryn Bernardo at kanyang boyfriend na si Mark Alcala dahil naka-holding hands sa Thailand.

Chika ng netizen : “eto, hindi lang braso ni Mayor Mark. Holding hands na. Tagal din sila nagtago. Since June 2024.”

Kumalat kasi ang mga stolen photos nina Kathryn at Mark na kuha mula sa EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand. Tinatawag rin ng mga netizens na tila ‘soft launch’ na ito sa relasyon nilang dalawa.

Marami naman ang mga bumabatikos sa relasyon nilang dalawa dahil hindi talaga sila boto sa bagong boyfriend ngayon ni Kathryn.

Ani ng netizens : “meron akong nakikita sa comsec na “let them be”, amputa pulitiko yung kasama ni kathryn, jusko kayo!! di pa kayo nadadale sa mga pulitikong na nasa dynasty, jusko ang laki ng sweldo ni alcala tas puro travel?!?”

“Parang ang daming time ni Mayor for someone na Mayor. Madami talagang time ang bwesittt na yan habang walang mainom na malinis na tubig ang bayan nya, walang pampaligo ayan nandyan siya nakikipag date!”

Dagdag pa ng isa : “Haba ng bakasyon ni mayor alcala at kathryn ah. Samantala ibang mayor nag aaward na ng employee of the year, jowa ng idol mo patravel travel lang. Isang linggo sa thailand then lipad ulit sa next destination? Taray.”