Kim Domingo, nagsalita na sa paninira ni Xian Gaza.

Naglabas na ng kanyang pahayag si Kim Domingo tungkol kay Xian Gaza.

Sa naturang pahayag, hindi inamin ni Kim Domingo ang mga paratang sa kanya ni Christian Albert ‘Xian Gaza’ bagkus wala itong masamang tinapay.

Kung ating babalikan, ibinahagi ni Xian sa social media na ang sexy aktres diumano ay may karelasyong politiko at ito raw ay si Congressman Claude Bautista ng Davao Occidental.

Ani Xian : “Chika pa ni Xian : “May kumakalat na video ngayon yung isang super sikat na babaeng celebrity. Hindi bold bagkus ay murag KathNiel ug K-drama. Duha sila ng kanyang Sponkey na politician. So sweet. Grabe. Kinilig ako. Itago natin sa pangalang Korean Sundae. Hindi ko ia-upload yung video bilang respeto sa asawa’t anak ni Cong. Don’t forget to buy EL DEO, the best deodorant in Philippine history!”

Dagdag pa niya : “Ang nasabing famous celebrity ay yumaman ng husto kakaharvat ng matandang mayaman for the last 11 years. Ang favorite gift na palagi niyang hinihingi ay house & lot. Kompirmd 100%.”

May 9, nagsalita na si Kim tungkol sa issue, hindi niya inamin o pinabulaanan ang mga paratang na ito sa kanya ni Xian.

Ani Kim : “Doon naman po sa taong nagpost about the the issue. Actually, last september nakita namin sya ng boyfriend ko sa isang Music Festival sa Thailand. Nagkatinginan lang kami. Nahiya lang ako batiin sya pero alam kong sya yun. Kasama namin ang mga thai friends ng partner ko. At sya din ay mga kasama. Lahat kami ay nag eenjoy nung gabi na iyon.”

Bahagi pa ng pahayag : “To Mr. Xian, wala akong galit sayo. Ikaw lang ang nakakaalam ng rason kung bakit mo yan ginagawa. Or kung bakit mo iyan kailangan gawin. Hindi ko sasabihin na sinungaling ka, hindi ko din sasabihin na nagsasabi ka ng totoo. Hindi ko din sasabihin na masamang tao ka.

“Bahala na ang mga tao ang humusga sa atin. Hindi din ako maghahangad sayo ng masama. Bagkus, hinihiling ko na magkaroon ka ng peaceful life, more blessings at more happiness pa sa buhay mo. After ng lahat ng ito, respeto pa din po ang ibabalik ko sayo.” ani Kim Domingo.