
Free Rhinoplasty at Blepharoplasty sa Lemery, Batangas viral.
CALABARZON – Viral at usap-usapan sa social media ang free Rhinoplasty at Blepharoplasty para sa kanilang mga nasasakupan, isang “Surgical Mission: Pre-Operative Activity” sa Lemery, Batangas.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa mismong Batangas Provincial Hospital, ibinahagi rin nila ito sa Facebook page nila na talagang pinag-usapan ng mga netizens online.
Ang Rhinoplasty ay isang cosmetic surgery para baguhin ang size, hulma o ma-enhanced ang buong look ng ilong, habang ang Blepharoplasty naman ay isang procedure upang mabawasan ang facial fats, skin o muscles sa ilalim ng under eye o eyelids.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa pa-free Rhinoplasty at Blepharoplasty Pre-Operative Activity na ito sa Batangas. May iilan na napatanong kung ang activity na ito ay kasama pa sa medical missions ng pamahalaan.
Ani ng netizen : “Yeeyyyy dadating ang araw wala nang pangong batangeño! ISA NA KO DUN!!”
“Sakin dito sa Europe no need na mag rhino kasi maganda dito ang pango yung ilong kaya okay na ako.”
“Kelan pa naging about health ang mass rhinoplasty? Nagkaroon ba yan sila Ng thorough psychological consultation before ng procedure?”
Dagdag pa ng isa : “Are you guys serious?! So nag community health assessment needs or epidemiological survey kayo at find out na high prevalence ang may pangong ilong sa batangas that need medical attention?”



