Menu
Awra Briguela, sumailalim sa nose surgery o rhinoplasty.

Tuloy na talaga ang pangarap ni Awra Briguela na maging ‘latina’.
Masayang ibinahagi ni Awra Briguela sa kanyang mga followers ang tungkol sa kanyang nose surgery o rhinoplasty journey.
July 14, ipinost ni Awra sa kanyang Youtube channel ang tungkol sa kanyang nose enhancement surgery, caption pa nito; ‘RHINOPLASTY JOURNEY (PART 1) | AWRA BRIGUELA’.
Aminado naman si Awra na ang pagpapa-ayos ng kanyang ilong ay matagal na niyang pangarap o nasa listahan na talaga ng kanyang bucket list.
Chika pa niya : “Matagal ko na talaga siyang gusto and feeling ko talaga ito na lang ‘yung kulang para maging sobrang Latina na ako.”
Dagdag pa niya : “Kidding inside, hindi naman sa sobrang insecurity ko ‘yung nose ko kasi maganda naman siya pag naaayusan. But, feeling ko kailangan niya ng enhancement. And feeling ko pag nagawa na ‘yung ilong ko, buo na talaga. ‘Yun na lang ‘yung kulang.”
Marami naman sa mga netizens at mga fans ng dalaga ang natuwa dahil unti-unti na nitong natutupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang sarili.
Anila : “wow..ang ganda po ng ilong..bagay po yan pag kulot ang buhok tas maiksi lang.. Andaming mga basher, wala kasi kayong pera.. ako ngani gusto ko din mag patangos bakit ba? Pa bash bash kayo mga mukha niyo din mukha din avatar eehh ahhahah.”
Dagdag pa ng isa : “Mas maganda ang original mukha mo Awra, kaysa ngpatangos or ngpadagdag ilong ka. but its your choice naman ywn okey lang.”


