Banga National High School Shooting : Latest Update.

BANGA, South Cotabato – Ibinahagi ni Governor Reynaldo Tamayo na diumano’y kasapi ng isang online group ang 16 years old na suspek sa pamamaril sa Banga, National High School noong Biyernes, September 18, 2026.

Ani Tamayo : “Ang inisyal lamang na aming nakita ay nakausap namin ‘yung best friend ng bata. Itong bata pala ay miyembro ng…[pangalan ng online group]. So ito ay iniimbestigahan pa rin ng ating kapulisan kung ano ba ito at ano ba nakapaloob [sa] internet community na ito.”

Dagdag pa ng Gobernador : “So medyo mabigat lang sa pakiramdam ngayon dahil bilang gobernador, bilang ama ng lalawigan, masakit sa akin na nangyari pa ito sa isang eskwelahan na fully guarded naman.”

Ayon sa mga ulat, isinulat ng inquirer.net ang tungkol sa planadong pamamaril ng suspek at nagbigay pa ito ng babala bago tuluyang isakatuparan ang school shooting.

Sa pagbabahagi ng alkalde ng Banga na si Mayor Albert Palencia, nakita ng mga awtoridad ang pagbigay ng babala ang suspek na nabasa nila sa mimong cellphone nito bago namaril.

September 18 ng umaga, sinabihan na raw ng suspek ang kanyang mga classmates at mga malalapit niyang kaibigan na umuwi na bago ang lunch break dahil itutuloy na raw nito ang kanyang plano.

Ayon pa sa imbestigasyon, plano sana ng suspek na gawin ang pamamaril noong September 3 pa pero hindi ito natuloy.

Ani ng PNP : “The Philippine National Police (PNP) is responding to a reported shooting incident that occurred at around 1:00 p.m. today, September 18, 2026, at a national high school in Barangay Benitez, Banga, South Cotabato.”

Sa naganap na shooting incident, 6 ang pumanaw at 17 ang sugatan. Kasama sa binawian ng buhay ang 16 years old na suspek matapos itong nagbaril sa kanyang sarili.

Ayon sa ulat : “The death toll in the shooting at Banga National High School in Banga, South Cotabato has climbed to six, with 17 others seriously injured, according to the Department of Social Welfare and Development (DSWD).”

Share this article :