Fuel Price Rollback September 29 : Diesel, Gasoline and Kerosene.

Manila, Philippines – Magandang balita para sa mga motorista dahil inaasahang magkakaroon ng malaking fuel price rollback sa September 29, lalo na sa presyo ng diesel at kerosene.

Ayon sa DOE o Department of Energy, inaasahan na bumaba ang presyo ng petrolyo ngayong Martes, September 29. May mas malaking rollback naman sa diesel na nasa ₱7.57 per litro, habang ₱0.24 per litro naman ang bawas sa gasolina at ₱5.85 per litro sa kerosene.

Narito ang inaasahang fuel price rollback :

  • Diesel : ₱7.57/L decrease
  • Gasoline : ₱0.24/L decrease
  • Kerosene : ₱5.85/L decrease

Narito ang mga oil companies na naglabas na ng fuel price adjustments.

Shell

  • Diesel : ₱7.60/L decrease
  • Gasoline : ₱0.30/L decrease
  • Kerosene : ₱5.90/L decrease

Seaoil

  • Diesel : ₱7.57/L decrease
  • Gasoline : ₱0.24/L decrease
  • Kerosene : ₱5.85/L decrease

Unioil at Jetti Petroleum

  • Diesel : ₱7.60/L decrease
  • Gasoline : ₱0.30/L decrease

Petrogazz

  • Diesel: ₱7.57/L decrease
  • Gasoline: ₱0.24/L decrease

Malaking rollback matapos ang sunod-sunod na oil price hikes.

May malaking ginhawa para sa mga motorista ang rollback na ito matapos ang ilang magkaka-sunod na pagtaas ng presyo ng fuel nitong mga nakaraang linggo.

Kung ating babalikan, simula September 8 hanggang 28 ay tumaas nang mahigit ₱18 kada litro ang presyo ng diesel. Samantala, mahigit ₱15 per liter ang itinaas ng gasolina.

Patuloy na ini-ugnay parin sa price hike ang sunod-sunod na paggalaw ng presyo ng langis sa world oil market, kabilang ang epekto ng tensyon sa Middle East.

Kaya naman, malaking bagay talaga para sa mga driver, commuters at mga negosyo ang inaasahang rollback ngayong September 29, lalo na para sa mga regular na gumagamit ng diesel.