Gasoline station ni Kamangyan, hindi nagtaas ng presyo.

Hindi muna magtataas ng presyo ang gasoline station ni Kamangyan vlogs.

Pinuri ang vlogger na si Kamangyan vlogs matapos nilang ibahagi online na ang kanilang gasoline station ay hindi muna magtataas ng presyo.

Hindi lingid sa marami na sa pamamagitan ng kaniyang social media vlogs ay nakapag-pundar si Mercedes Lasac o mas kilalang Ka Mangyan vlogs ng mga negosyo.

Ito ay ibinahagi ni Mercedes sa kanyang social media noong 2024 na sila ay matagumpay na nag-bukas ng kanilang 2nd gasoline station sa ilalim ng Jetti Petroleum Inc. na may tagline na ‘Gasolina Ng Bayan’.

March 31, agad na nag-viral ang Facebook post ni Julius Mantala ang boyfriend ni Ka Mangyan tungkol sa update ng presyo sa kanilang gasoline station.

Ani Julius : “Sa Mga taga-pinamalayan po at Calapan sinabihan ko po ang mga managers ng Jetti na wag itaas ang presyo para kahit papaano ay makatulong. May konteng stocks pa po kami pwede nyo po puntahan mabilis kasi maubos. God bless po.”

Agad na nakatanggap ng papuri ang dalawa mula sa mga netizens at sa kanilang mga taga-subaybay, dahil kahit pagdating sa krisis na kinakaharap natin sa kasalukuyan ay mas pinili nila ang mga tao kaysa sa kanilang kikitain.

Ani Ka Mangyan : “Hindi kami umiikot sa kita lang. Simula pa lang, layunin na naming makapagbigay ng trabaho at makatulong sa kapwa Mindoreño. Kahit negosyo ito ginagawa namin ang lahat para makatulong sa abot ng aming makakaya—sa maayos at patas na paraan.”

Dagdag pa niya : “Kung gusto naming kumita, aba syempre chance na namin ‘to pero HINDI, CHOICE NAMIN NA HINDI GAWIN. Walang ibang magtutulungan kundi tayo lang din.”