Brenda Mage faces backlash for bathing Dog with bleach

Nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos and dating PBB housemate na si Brenda Mage matapos niyang ginamit ang Zonrox Bleach bilang shampoo sa alaga niyang aso.
Brenda Mage goes viral for using Zonrox Bleach on her Dog
Kung ating babalikan, viral sa social media ang isang video na ibinahagi ni Brenda habang pinapaliguan ang alaga niyang aso sa ilog.
Nagulat ang mga netizens matapos gamitin ng vlogger ang Zonrox Bleach na parang shampoo.
Ani ng netizens : “ang magpaligo ng zonrox sa alagang pets ay mali… maling-mali… Skin irritation or chemical burns. It can cause redness, dryness, pain, and irritation. Eye damage. Splashing bleach into the eyes can cause serious irritation or injury. Respiratory problems. Strong fumes may irritate your dog’s nose, throat, and lungs. Poisoning if licked or swallowed.”
Dagdag pa ng isa : “AWARE KABA NA PINOST KA DAHIL SA PAGPAPALIGO MO SA ASO GAMIT ZONROX? BAKA AWARE KA DIN NA BAWAL GAMITIN YON. AT HINDI BASTA BASTA GINAGAMIT ANG ZONROX. USO RESEARCH MUNA OR TAKE TO THE VET CLINIC FOR CONSULTATION PARA ALAM MO GAGAWIN MO SA ALAGA MO!”
Brenda apologizes and promises not to repeat the incident
Dahil sa mga batikos na natatanggap ni Brenda, agad siyang naglabas ng pahayag tungkol sa insidente. Nilinaw nito na sobrang mahal niya ang kanyang aso at nangako rin ito na hindi na mauulit ang pangyayari.
Ani Brenda : “Mahal ko po ang mga alaga ko.. at hindi ko po sila ipapahamal intentionally, nagkamali ako dahil diko alam na ganun kasama yun sa kanila ang pag gamit ko ng harmful product… ngayon alam ko na diko namam na uulitin…”
Dagdag pa niya : “Ok naman po yung Alaga ko mag 1 month na mula nung insidente sa Zonrox. diko na inulit kasi masama pala sakanila yun pero yung words against me sa nagawa ko.”
