Menu
Angel Locsin kay Robin Padilla : ‘Tama na, Kuya. Gising na’.

May payo si Angel Locsin kay Robin Padilla na gumising na habang hindi pa huli ang lahat.
Sa mahabang social media post ni Angel Locsin, naitanong niya kay Robin Padilla kung nasaan ang senador noong nirered-tag ang aktres.
Ani Angel : “Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan.”
“Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit ka binoto ng maraming Pilipino ay dahil inasahan nilang magiging matapang kang boses para sa mga kapatid nating Muslim. Pero bakit parang mas ipinaglalaban mo pa si Quiboloy? Naniniwala ka ba talaga na siya ang “appointed son of God”?”
“Isa ka sa pinaka-makabayang taong nakilala. Ikaw si Andres Bonifacio. Kaya nakakalungkot pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. Hindi ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko.”
Bahagi pa ng post ni Angel : “Kahit paano, alam kong halos pareho tayong landas na dinaanan. Galing sa hirap, nagtrababo ng maaga, tinangkilik at nakapagpasaya ng mga tao. Ang utang na loob natin ay sa ating diyos at sa lahat ng Pilipino —hindi lamang sa isang tao. Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”
Marami naman sa mga netizens ang natuwa dahil sa wakas ay nagsalita na si Angel.
Anila : “Sana madami pang influencer ang magsalita para sa katotohanan, para sa tama, at para sa bayan! At hindi para sa personal na interes at sa sinusuportahang pamilya lang. Bilib ako sayo, Darna!”
“Saludo sa pagiging tapat, may paninindigan at may puso na pilipino. Tunay na Darna!”
Dagdag pa ng isa : “Salute sayo Ms. Angel for standing what is right and for our country. In a time when many choose silence or convenience, your courage to speak and act with integrity deserves recognition.”



