Dennis Trillo slams Party Magic over “Insensitive” kids theme

Pumalag ang aktor na si Dennis Trillo sa Party Magic matapos gamitin ang madilim na nakaraan ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado para sa isang kids party prop.
Jennylyn Mercado’s childhood Tabloid
Kung ating babalikan, noong May 1991 naging front page ng isang tabloid ang balita tungkol sa batang si Jennylyn. Siya ay 3 years pa lamang noon.
Caption sa tabloid :
Anak ng OFW, Bugbog-Sarado sa Step-father.
Makikita sa mga larawan ang mga malalaking pasa sa mata ni Jennylyn na gawa ng kaniyang stepfather na si Benjamin Mecia Jr. na agad dinakip ng mga awtoridad.
Ang ina naman ni Jennylyn na si Jinkee Pineda ay isang OFW noong panahong ‘yun. Agad siyang umuwi sa Pilipinas para mag-pyansa sa paglaya ni Benjamin Mecia.
Dennis Trillo questions Party Magic over controversial Party Prop
Samantala, pumalag si Dennis Trillo sa Party Magic matapos nilang inilabas ang isang ‘sari-sari store inspired from the ’90s‘ para sa isang children’s party. Ginamit kasi nila ang tabloid ni Jennylyn noong 1991.
Ani Dennis :
Hindi ko lang mapigilang mag react dito, tutal ayaw niyo sumagot sa tawag ko…sige dito tayo mag usap.
Party Magic, bakit niyo naman napiling gamitin ito mismong kopya ng tabloid na ito? Sa theme ng children’s party pa ha? Paki paliwanag please…
Sa mga hindi nakaka alam, yung naka headline na batang binugbog ay yung asawa ko. Tama ba naman ma yun pa ang ilagay niyo?
Netizens react to the controversial tabloid display
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa paggamit ng lumang tabloid ni Jennylyn para sa isang kids party.
Ani ng netizen : “Fucked up ginawa nung mga nag design or owner o kung sino man nakaisip to put a newspaper na may ganong headline.”
“Halata naman sinadya para magtrending at umingay business nila. Di na nagisip kahit negative ang way.”
Dagdag pa ng isa : “Sinong tanga nag-isip na maganda maglagay ng tabloid na ang headline ay isang ABUSED CHILD sa isang CHILDREN’S PARTY??????”
