Klarisse de Guzman’s Mother, Esnobie, passes away

Malungkot na ibinahagi ng singer na si Klarisse de Guzman ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina na si Esnobie ngayong araw October 24.
Klarisse de Guzman announces her mother Esnobie’s passing
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Klarisse ang isang larawan habang yakap ang kanyang ina sa ospital.
Caption ni Klarisse : “Mahal na mahal kita, Mama ko. Iyakap mo na lang ako kay Papa ah. Mahal na mahal ko kayo,”
Klarisse previously asked fans to Pray for her Mom
Kung ating babalikan, noong October 20 lamang ay humingi at humiling ng dasal ang singer para sa paggaling ng kanyang ina sa pamamagitan ng kanyang Instagram broadcast channel.
Panawagan ni Klarisse : “Namamanhid ako. I’m so scared. Pwede nyo po ba isama si Mama sa prayers nyo?”
Fans and netizens extend condolences to Klarisse
Marami naman sa mga fans at netizens ang nagbigay ng kanilang pakikiramay para kay Klarisse at sa pamilya ng singer.
Ani ng netizen : “My deepest sympathy and condolences to you and your family Klang.”
“Buong puso akong Nakikiramay sa buong familya sa pagpanaw ni Esnobie . Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.”
Dagdag pa ng isa : “Deepest condolences and prayers for you and your family. Be strong Klang.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas si Klarisse ng mga detalye kung ano ang cause of death ng kanyang ina.
