Zaijian Jaranilla defends Kanye Avendaño against ‘bastos’ reporter

Ipinagtanggol ni Zaijian Jaranilla 25, ang child actor na si Kanye Avendaño 12, laban sa isang reporter o press na nagtanong tungkol sa pagpasok nito sa Vivamax.
Kung ating babalikan, nagkaroon ng isang press conference sina Zaijian, Kanye at iba pang mga casts ng kanilang pelikulang “Guryon”.
Dito na nila isa-isang sinasagot ang mga katanungan ng media o mga reporters.
Zaijian Jaranilla steps in during Kanye Avendaño’s interview
Sa gitna ng kanilang panayam, dito na inusisa ng isang reporter si Kanye tungkol sa kanyang mga naging proyekto at sa kanyang mga future projects.
Tanong ng reporter : “Bagets pa naman si Kanye. So bago ka pa lang talaga dito [sa showbiz] or may mga nagawa ka na before?”
Sagot ng child actor : “Series po. Ang recent ko po ngayon is ang Mutya ng Section E.”
Sundot ng reporter : “Ah, so under Viva ka?”
Ani Kanye : “Opo.”
Ani pa ng reporter : “Ah, okay, okay. [So] paglaki mo ba magvi-Vivamax ka rin?”
Zaijian reminds media to be careful with questions for minors
Dito na inagaw ni Zaijian ang microphone ni Kanye at nagbigay ng paalala sa reporter na mag-ingat sa mga tanong na binabato nila dahil underage pa ito.
Ani Zaijian : “Underage pa po si Kanye kaya ingat po sa mga ganyang tanong.”
Maraming netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa press na nagawang magbato ng hindi angkop na tanong sa isang 12 years old.
Ani ng netizen : “Uhaw sa laman amp HAHAHA si mama mama di nakapagpigil talaga magtanong.”
“Pambihira! Ang daming pwedeng itanong eh…sino bang reporter yan? Hahaha”
Dagdag pa ng isa : “To think na adult pa ang may lakas magtanong ng ganyan sa bata.”
