Usap-usapan parin ang malaking pagba-bago sa nose ni Michael Pacquiao.
Suportado ng mga netizens at ng mga fans si Michael Pacquiao matapos nilang malaman na sumailalim ito sa isang nose enhancement surgery.
Ilang araw matapos umingay ang pagpapa-enhance ni Michael ng kanyang ilong, ibinandera na ng anak ni Manny ang buong profile picture niya o DP [display picture] sa kanyang Instagram account.
Sa naturang post, hindi na nag-lagay si Michael ng kahit anong caption ngunit kitang-kita naman ang tangos ng kanyang ilong lalo na kung siya ay naka-side view.
Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento sa mismong post ng binata, anila na hayaan nalang ang mga taong bumabatikos dahil sa pagpapa-gawa niya ng kanyang ilong at sundin lang nito kung ano ang tunay na nagpapa-saya sa kanya.
Say pa ng netizen : “You choose your happiness and boosted your confidence and thats ok. Huwag padadala sa mga sinasabi ng iba. Always do what makes you happy. Your new look suits you.”
“Bagay sayo , Michael. Go what makes you happy! We believe your heart — kind and loving! Congrats congrats.”
Dagdag pa ng isa : “Gawin mo lng kung saan ka masaya..as long as wala ka nman inaapakang mga tao! Mas gusto ko ung new look mo idol!”
Isang komento naman ang nag-stand out at ito ay nagmula sa mismong girlfriend ng binata na si Joyce Tan Custodio, sa kanyang comment, tinawag ng dalaga na handsome inside at out si Michael.
Komento niya : “My Handsome One Inside Out [heart emojis] Few more Months lezgooo.”
Sa viral reel naman na kumalat online, maraming netizens ang nagsasabing hindi bagay sa binata ang kanyang ilong at nagmukha raw itong Arabo [Arabian].
May iilan naman ang nagsabing hindi pa kasi ito fully healed kaya hindi pa ito bumabagay sa mukha ni Michael.
Ani ng netizen : “It will heal and get better overtime. [fire emoji].”

