Netizens mocked New PBB House design as a Lotto outlet

Quezon City, Philippines – Mukhang hindi pasado para sa mga netizens ang bagong style o design ng new PBB o Pinoy Big Brother house, tinawag pa nila itong Lotto outlet.

Hindi lingid sa marami na sa October 24 na ang muling pagbubukas ng pinaka-sikat na bahay sa ating bansa at ito ang Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Makikilala na rin natin ang mga new set of housemates na nagmula sa ordinaryong mga Pilipino. Kasabay ng pagbubukas ng PBB house ay may bagong tahanan rin ang naturang programa.

Kung ating babalikan, inilipat na sa bagong lokasyon ang PBB house, malungkot na ibinalita rin ang pagsira o pag-giba sa dating bahay ni kuya noong April 2026.

New Pinoy Big Brother house facade unveiled

Ngayong araw ay ipinakita na rin ni MJ Felipe sa social media ang bagong PBB house na magiging tahanan ng mga bagong housemates ngayong new season.

Ani MJ : “LOOK: The new PBB house facade has been revealed! ABS-CBN and GMA executives, hosts Robi Domingo and Alexa Ilacad, Business unit head Marcus Vinuya were present during  the ceremonial unveiling,”

Netizens compared the New PBB House to a Lotto outlet

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga komento at tila hindi nila nagustuhan ang bagong desinyo, style o awra ng new PBB house.

Ani ng isang Facebook page : “From the house we grew up watching to the house that will create a new generation of memories. Ano ang masasabi niyo sa bagong bihis ng Bahay ni Kuya?”

Komento ng netizen : “Ano to? hindi papasok bilang housemate? tataya lang ng lotto?”

“parang minadali lang yong plano ng bahay paranang wala nang amor in the first place walang ka spark spark kang mararamdaman kapag nakita mo! Ganon yong feel for me I don’t know sa iba kong gayadin sa akin ang feel kapag nakita yan sa labas although sabihin natin na maganda sa loob pero iba parin yong dating ng dating itsora ng bahay talagang makatawag pansin, simula sa labas hangan sa loob makaagaw pansin!”

Dagdag pa ng isa : “kala ko bagong branch ng lottohan.. Mas maganda paren yung unang bahay mas iconic at mas feel na feel mo talaga.”

Share this article :