Kim Kardashian celebrates her birthday in the Philippines

Espesyal para kay Kim Kardashian ang kanyang 45th birthday dahil mismong sa Pilipinas ang naging selebrasyon.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kim na sobra siyang namangha sa magagandang tanawin, karagatan at maging ang sunset sa ating bansa.
Caption pa niya : “Philippines Birthday Adventures”
Kim Kardashian enjoys scuba diving and other recreational activities
Hindi rin niya pinalampas ang mga recreational activities gaya ng pag-scuba diving na pinaniniwalaan ng mga netizens na ginanap sa isla ng Amanpulo.
Sa naging panayam ni Kim esklusibo sa ABS-CBN, kinumpirma niya na sa ating bansa ginanap ang kanyang kaarawan.
Aniya : “I just got back from the Philippines! I celebrated my birthday there!”
Dagdag pa niya : “I saw one of the best sunsets ever, it was so colorful!”
Kim Kardashian continues to captivate fans around the world
Hindi lingid sa marami na matagal nang sinusubaybayan si Kim ng mga fans mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Bukod sa entertainment industry, nakilala rin siya bilang entrepreneur at fashion personality na may malaking influence sa pop culture.
