Kris Aquino speaks out against Machong Chismisan

Nagsalita na ang Queen Of All Media na si Kris Aquino matapos pagtawanan ang kanyang panganay na anak na si Josh ng mga hosts sa viral Machong Chismisan podcast.
Kung ating babalikan, inokray ng mga hosts sa nabanggit na podcast si Josh Aquino at nagawa pa nila itong ikumpara sa kanyang kapatid na si Bimby, tinawag pa nila itong walang kwenta sabay nagtawanan.
Bago pa man nagsalita si Kris, maraming netizens na ang handang ipagtanggol si Josh, nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos ang mga hosts ng Machong Chismisan, may mga celebrities rin ang naglabas ng kanilang mga pahayag tungkol sa issue.
Kris Aquino finally breaks her silence about the controversy involving Josh
Ngayong araw, October 16, naglabas ng mahabang opisyal na pahayag si Kris tungkol sa pang-iinsulto kay Josh. Hindi na raw niya pag-aaksayahan pa ng oxygen ang mga ito dahil hindi maganda ang kalagayan ng kanyang kalusugan sa kasalukuyan.
Ani Kris : “Many of you may have wondered why i gave no statement to what were irresponsible & uninformed opinions. A friend who i admire for his wisdom told me there are people i should learn not to give oxygen to, in other words ignore and the issue dies a natural death.”
“But to set the record straight, kuya is with me during our afternoon siesta, although mine stretches to 4 hours. When he sees Bimb going to his computer, kuya knows it’s his shift. And he loves to say: Mama your shoulder’s here.”
Bahagi pa ng pahayag : “I sleep best with my head resting on Kuya’s shoulder and my arms wrapped around his left arm. It’s difficult because he can’t move but Monday to Friday kuya josh does his share to take care of his mama.”
