Boy Abunda clarifies Josh Aquino is not ‘Walang Kwenta’

Nilinaw ng King Of Talk na si Boy Abunda na hindi totoong ‘Walang Kwenta’ ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh matapos niyang mapanood ang podcast ng Machong Chismisan.
Machong Chismisan hosts face backlash over remarks about Josh Aquino
Kung ating babalikan, inulan ng samu’t-saring pambabatikos mula sa netizens ang isang podcast ng Machong Chismisan matapos nilang pagtawanan at kutyain ang pagkakaroon ng autism ni Josh Aquino.
Ani ng isang host : “Si Bimby sobrang okay na anak. Si Josh walang kwenta eh.”
Pinagtawanan rin nila ang pagkakaroon raw ng malaking baon sa school ni Josh pero nakatunganga lang daw ito sa buong klase.
Tanong ng isang host : “Diba ‘yung baon daw ni Josh araw-araw sa school 3,000 a day?”
Sagot ng isa : “tapos nakatunganga lang [sabay tawanan].”
Tito Boy shares his personal experience with Josh Aquino
Agad na pumalag si Tito Boy at nilinaw nito na walang katotohanan ang pagiging inutil o walang kwenta si Josh kaysa kay Bimby.
Ani Tito Boy : “Alam niyo po ang masakit ay ang… he was compared to Bimb. ‘Nakatunganga lamang’ ‘walang kwenta’ and you are talking about a young man with a disability. You are talking about a special boy. Enlighten lang nang kaunti, mahal na mahal po si Josh ng mga Aquino. Mahal na mahal si Josh ni Kris. Mahal na mahal si Josh ng dating pangulo [Ninoy Aquino].”
Dagdag pa niya : “Noong pumunta po ako sa America at dinalaw ko po si Kris no’n. Si Bimb was in charge of coordinating with the nurses. He was on top of a lot of things happening there. Alam niyo po ba kung ano ang assignment [ni Josh?] Sa bawat simula ng araw, he would gather everybody in the house and he will lead the prayer.”
