‘Machong Chismisan’ contract with The Pod Network terminated

Terminated na ang kontrata ng podcast channel na ‘Machong Chismisan’ sa The Pod Network Entertainment matapos nilang pagtawanan si Josh Aquino.

Machong Chismisan faces backlash over remarks about Josh Aquino

Kung ating babalikan, hindi nagustuhan ng mga netizens ang latest podcast ng Machong Chismisan matapos nilang kutyain at gawing biro ang pagkakaroon ng autism ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh.

Naging hot topic kasi nila sa usapan ang muling pagbabalik ng Queen Of All Media na si Kris sa trabaho, dito na nila naging pulutan si Josh.

Ani ng isang host : “Si Bimby sobrang okay na anak. Si Josh walang kwenta eh.”

Pinagtawanan rin nila ang pagkakaroon raw ng malaking baon sa school ni Josh pero nakatunganga lang daw ito sa klase.

Tanong ng isang host : “Diba ‘yung baon daw ni Josh araw-araw sa school 3,000 a day?”

Sagot ng isa : “tapos nakatunganga lang [sabay tawanan].”

The Pod Network announces termination of Machong Chismisan contract

Dahil sa pag-call out ng mga netizens at mga galit na celebrities, naglabas ng pahayag ang The Pod Network Entertainment at tuluyan na nilang tinapos ang kontrata nila sa Machong Chismisan.

Ani ng The Pod Network : “We have formally terminated our contract with the Machong Chismisan podcast and are consequently removing the show from the network effective immediately.”

Dagdag pa nila : “We take these concerns seriously. Persons with disabilities and neurodivergent individuals deserve dignity and respect, and that includes how they are talked about on our shows.”