Who is Tito P? The Machong Chismisan Podcast co-host

Kilalanin si Tito P, ang isa sa mga co-host ng Machong Chismisan Podcast na humaharap ngayon sa pambabatikos matapos pagtawanan si Josh Aquino, ang panganay ni Kris.

Who Is Tito P? Meet Tito Patrioto of Machong Chismisan

Sa limang hosts ng naturang podcast, isa si Tito Patrioto o mas kilalang Tito P ang nagbitaw ng masasakit na salita tungkol kay Josh Aquino.

Bago pa man magsimula ang kanilang podcast session, inilalarawan ni Tito P ang kanyang sarili bilang ‘pinakamabangis at pinakamalakas’.

Habang pinag-uusapan nila ang muling pagbabalik ni Kris sa trabaho. Nagawa niyang ihambing ang dalawang mga anak ni Kris at ang mga ambag nito noong mahina pa ang kanilang ina dahil sa sakit.

Ani Tito P : “Si Bimby sobrang okay na anak. Si Josh walang kwenta eh.”

Maging ang apat na co-hosts na kasamahan niya ay tawang-tawa na tila sumasang-ayon sila sa sinabi nitong si Josh ay ‘Walang Kwenta’.

Tito P faces backlash over remarks about Josh Aquino

Dito na sila nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos mula sa mga netizens. Anila na hindi dapat ginagawang biro ang mga taong PWD o Persons With Disability kagaya ni Josh na may autism.

Ani ng netizen : “Hala grabe Kyo mga Kuya, kahit COMEDY podcast kyo, alam naman natin na bawal e bully Ang mga bata lalong Lalo na Ang PWD. Sana po nag-isip man lang kyo ng gusto nyong pagtatawanan sa podcast nyo. Para sa isang Ina, subrang bigat po ito sa puso nya.”

Dagdag pa ng isa : “Grabe sila..khit ako nong napanood ko ito nang gigil tlga ako sa kanila lalo n yong narinig mo n sabay sabay sila ngtawanan nkakagalit tlga..”

Tito P issues Public Apology following criticism

Agad na naglabas ng kanyang public apology si Tito P, kasunod nito ang pag-amin niya na mayroon siyang ADHD o Attention-Deficit Hyperactivity Disorder.

Ani Tito P : “As someone with ADHD, impulse control can make filtering thoughts difficult. An edgy joke might pop into my head, and before my executive functioning can evaluate the social risk, it has already been said aloud.”

“I share this not to excuse my behavior, but to provide context. It took the public backlash for me to realize where the joke was coming from. But that is how people learn.”

Dagdag pa niya : “And I will continue to hear helpful and professional advice as to how to make myself more accountable and more respectful in the future.”

The Pod Network terminates its contract with Machong Chismisan

Sa ngayon, terminated na ang kontrata ng Machong Chismisan sa ilalim ng The Pod Network Entertainment.

Ani ng The Pod Network : “We have formally terminated our contract with the Machong Chismisan podcast and are consequently removing the show from the network effective immediately.”

Dagdag pa nila : “We take these concerns seriously. Persons with disabilities and neurodivergent individuals deserve dignity and respect, and that includes how they are talked about on our shows.”