Dennis Trillo Open to giving Patrick Garcia a Second Chance

Ibinahagi ng aktor na si Dennis Trillo na handa siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon o second chance ang dating heartthrob na si Patrick Garcia matapos umingay ang dati nitong relasyon sa aktres na si Jennylyn Mercado matapos ang 18 years.

Para kasi kay Dennis, lahat ng tao sa mundo ay may pagkakataong magbago kahit gaano man kalaki ang nagawa nitong pagkakamali sa buhay.

Ayon pa sa aktor na kahit sinuman ay deserved ang “second chance” at lahat naman ng problema ay nadadaan sa maayos at mabuting usapan.

Ani Dennis : “Lahat ng tao pwede bigyan ng second chance. Kahit noon pa.. kahit gaano pa ka grabe ‘yung mga nagawa niya. Tao lang tayo. Lahat tayo tingin ko may karapatan, pwede natin bigyan ng chance [ang] bawat isa para mag bago.”

Bukas pa rin ang pinto para kay Patrick.

Inamin ni Dennis sa media na hindi pa sarado ang pinto para kay Patrick na muli nitong makasama ang kanyang panganay na anak kay Jennylyn na si Alex Jazz.

Aniya : “Sa totoo lang? Walang problema. Ngayon mas mahirap lang dahil may ganyan [issue]. Lahat ‘to madadaan sa mabuting usapan.”

Para sa asawa ni Jennylyn, mas naging mabuti sana raw na direktang nakipag-usap sa kanila si Patrick tungkol sa mga concerns nito. Mas naiwasan pa sana ang malaking issue na patuloy pinag-uusapan ngayon sa social media.

Say ni Dennis : “Kung dumiretso siya sana samin.. hindi na sana dinaan sa ibang tao. Nagulat. Dahil more than twenty… 18 years bago nagsalita, [na]kwento. Nakakagulat lang dahil tahimik na [ang] lahat. Siyempre naungkat pa mga dati[ng issue].”

Dennis : Huwag nang idamay ang mga bata.

Nakiusap naman ang aktor na sana raw ay matigil na ang pambabatikos ng mga bashers sa social media at huwag nang idamay ang mga bata.

Aniya : “Hiling namin sana matapos na ang pang-bash. Ayaw natin non. Oo, magulang involved dito pero wag na natin involve mga bata. At the end of the day, sila buhay natin, prinoprotektahan natin, sila mga mahal natin. Ayaw natin masangkot pa sila sa gantong kaguluhan.”

Walang personal na galit kay Gelli de Belen.

Isa sa nilinaw ng aktor ang tungkol sa naging pahayag ng aktres na si Gelli de Belen sa GTV show na ‘Chika Cart’.

Wala raw siyang personal na galit kahit kanino at ang kanyang naging reaksyon ay bunga lang sa pagiging isang ama na kayang protektahan ang kanyang pamilya.

Ani Dennis : “Wala akong ramdam na galit kahit kanino. Inisyal na reaksyon lang ‘yun ng isang tatay na nagtatangol sa pamilya. Isang tatay na umiiwas [sa] trauma. Andoon ako para harangin ‘yun. Para hindi madagdagan.”

Secret Link