
Mary Jane Veloso, Freed after 17 years in Prison.
Manila, Philippines – Sa wakas ay malaya na si Mary Jane Veloso matapos ang 17 years na napiit sa kulungan, siya ay isang domestic helper na biktima ng drug trafficking sa Indonesia taong 2010.
Abot langit ang saya ni Mary Jane matapos niyang mayakap muli ang kanyang pamilya sa The Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ngayong umaga ng Sabado 12:07am September 26, 2026.
Matapos makalaya, tumuloy muna sina Mary Jane at ang kanyang pamilya sa isang hotel sa Padre Faura, Manila bago sila tuluyang makauwi sa Nueva Ecija bukas.
Paano nakalaya si Mary Jane Veloso?
Malaking tulong ang kasalukuyang pangulo ng ating bansa na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa tuluyang paglaya ni Mary Jane matapos nitong pirmahan ang absolute pardon ng biktima.
Ani Pres. Marcos : “Pinirmahan ko na yung pardon niya kahapon.”
Malaking pasasalamat naman ni Mary Jane sa ating pangulo dahil alam niya na ginawang way o kasangkapan ng panginoon si PBBM para tuluyan na niyang malinis ang kanyang pangalan at makalaya.
Ani Mary Jane : “Sobrang nagpapasalamat talaga ako talaga kay President Bongbong Marcos Jr. kasi.. alam ko naman na hindi mangyayari [ang aking paglaya] kung hindi dahil sa kanya.. At alam ko din na ginamit siya ng panginoon para malinis yung pangalan ko kasi ‘yun lang talaga ang gusto ko [na] malinis ‘yung pangalan ko.. makabalik ako sa pamilya ko.. wala po akong ibang hinihiling kundi ‘yun lang po talaga. Maraming salamat po..”
Hindi lingid sa marami na taong 2015 naka-schedule na ang execution ni Mary Jane sa pamamagitan ng firing squad.
Sa last minute, agad itong napigilan matapos maaresto ang nag-recruit sa kanya para magtrabaho sa abroad.
Naging prosecution witness si Mary Jane at nilinaw na biktima lang siya sa drug trafficking na kinasangkutan nito.
Taong 2024 ng December, inilipad na siya pauwing Pilipinas at nilipat sa The Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. Nagkaroon rin ng terms at agreement na hindi na matutuloy ang planong pagbitay sa kanya.

