
TF o talent fee ni Rovelyn Baterbonia, hindi bumaba sa P25k?
Tumaas ang kilay ng mga netizens kay Rovelyn Baterbonia ang ina ng pumanaw na student athlete o basketball player sa Ateneo de Manila University na si Rene Clert matapos kumalat ang isang convo tungkol sa halaga na TF o Talent fee niya para sa isang school event.
Sa naturang screenshot, mababasa ang isang private message ng netizen na ipinadala niya kay Rovelyn. Agad niya itong ibinahagi sa social media matapos maningil ang ina ni Rene ng malaking bayad.
Aniya : “Goodevening po Ma’am Rovelyn. Pwede po ba kayo ma-invite for our event po sa school? Many of the student here see you as an inspiration po. If free lang po kayo by next month pa naman po. Update ko po kayo sa exact date siguro bukas. Thank you Ma’am!”
Sagot ni Rovelyn : “25k Ang tf ko po”. Pahabol pa niya : “Donation po Yan sa anak ko”.
Maraming netizens naman ang pumalag kung bakit ang mahal raw ng sinisingil ni Rovelyn kahit school event lang naman ang umiimbita sa kanya.
Ani ng netizen : “Nasilaw nah ata sa pera si mother ubos nah ba mga abuloy po? bakit ang mahal at 25k talaga. school event lang naman. artista yarn?”
“Anong talent ba ni mader bakit may talent fee? paano naging inspirasyon ng student yung nanay na namatayan? like how?”
Dagdag pa ng isa : “Wala man lang good pm-good pm, rekta na agad sa true intentions. hahaha”
Rovelyn Baterbonia, nilinaw na hindi niya account ang kausap sa chat.
Matapos kumalat ang screenshot ng convo sa social media, agad na nilinaw ni Rovelyn na walang katotohanan ang pagsingil niya ng TF o talent fee para sa isang school event.
Ani Rovelyn : “Hindi po Yan akin account mga basher lang Walang magawa sa Buhay kondi kmi na pagtrepan.”
Para sa ina ni Rene, hindi talaga sila tinatantanan ng mga bashers online. Gumawa pa talaga ng mga fake accounts ang mga ito para siraan o gumawa ng kwento na dahilan upang mapahiya siya sa publiko.

