Niño Muhlach may isang salita, papalitan ang nasirang motor.

Pumalag si Diane Abby Tupaz, ang misis ng aktor na si Niño tungkol sa mga social media posts ni Nicolas Villanueva, ang lalaking biktima sa pag-araro ni Muhlach sa mga establisimyento sa Antipolo City.

Kung ating babalikan, August 23 naaksidente si Muhlach sa kahabaan ng Marcos Highway, dito na niya inararo ang isang motor at ang biktima na si Nicolas.

Aminado naman ang aktor na kasalanan niya ang lahat, nakatulog raw siya habang nagmamaneho dahil sa sobrang puyat at pagod.

Aniya : “While fatigue overtook me, that is no excuse. Falling asleep at the wheel led directly to hitting a pedestrian and damaging nearby establishments.”

Dagdag pa niya : “My priority right now is ensuring that the affected individual receives all necessary care, support and medical assistance and that all damages caused to the properties and establishments are fully compensated and rectified.”

Dinalaw rin ni Niño si Nicolas sa ospital para masigurado ang kaligtasan nito. Matapos ang tatlong linggo may naging sunod sunod na social media posts ang biktima para manawagan sa aktor na tuparin na nito ang pinangako sa kanya.

Ani Nicolas : “Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo yung nangyari sakin. Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo parin pinapalitan.”

Dito na pumalag si Diane, ang misis ni Muhlach dahil walang katotohanan raw ang mga paratang na ito ng biktima.

Ani Diane : “Yung post na kumakalat eh parang pinapalabas na wala manlang ginawang tulong si Niño Muhlach sa taong naperwisyo nya sa aksidente” HINDI YAN TOTOO!”

“Sa taong nahospital na si Nicolas Villanueva, araw araw sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor si Nicolas and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan nya. Sinigurado din ni Niño na nabibigay yung araw araw na  pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family nya habang nasa hospital sila.”

“Cash pang food, mini grocery, travel expenses, and pati pang baon na money sa school ng daughter ni Nicolas… And yung sa “motor” huwag ho kayong mag alala kasi siguradong mabibigyan yan ng kapalit, hindi naman tatakas si Niño ng dahil lang sa motor.”

Bahagi pa ng kanyang pahayag : “Hindi sila pinababayaan ni Niño… Hindi tumigil sa pag bigay ng tulong si Niño lalo na kay Nicolas Villanueva and hanggang ngayon tuloy tuloy parin ang pag suporta ni Niño sa gastusin ni Nicolas Villanueva dahil may mga check up pa sya.”

Share this article :