Marian Rivera clarifies Padlock issue with Bela Padilla

Sa wakas ay nilinaw ng aktres na si Marian Rivera na walang katotohanan ang tungkol sa urban legend na “padlock issue” nila ni Bela Padilla.

The padlock rumor started during Endless Love

Kung ating babalikan, ang padlock issue na ito nina Marian at Bela ay nagsimula taong 2010 habang ginagawa pa nila ang teleseryeng “Endless Love” sa GMA Network.

Ang ugat diumano sa pag-padlocked ng aktres kay Bela sa cr o comfort room ay dahil lang sa selos.

May mga eksena raw kasi sa serye na hindi nagustuhan ni Marian gaya na lamang sa mga yakap, haplos at kissing scenes nina Bela at Dingdong Dantes.

Marian Rivera denies locking Bela Padilla in a comfort room

Sa guesting ni Marian sa GGV o Gandang Gabi Vice noong October 25, nilinaw ng aktres na hindi totoong ikinulong niya si Bela sa cr.

Ani Marian : “Alam mo buong buhay ko never ko itong pinag-uusapan kasi kahit anong paliwanag mo sa tao, nakadikta na sa utak nila ang totoong nangyari eh.. pero kung ang tanong mo [Vice] ay kung nangyari ba talaga? HINDI..”

Dagdag pa niya : “Paano mo gagawin ‘yun? nai-lolock mo? na nasa loob ‘yung lock? ibig sabihin kaming dalawa ang nag-locked?”

Marian says she and Bela have reconciled

Para kay Marian, ang mas mahalaga sa ngayon ay nagkaayos na silang dalawa ni Bela at nagkapatawaran na.

Pahabol pa niya : “Pero alam mo Vice? Yon ‘yung pinakamaganda diyan.. after all lahat ng speculations, kung ano ang gusto nilang isipin.. ang mahalaga kami ‘yung tao.. maayos [na] kami.. okay na ako dun..”

Share this article :