Jodi, pasok sa 2nd Miracle in Cell No. 7, what happened to Bela?

Isa ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa mga bagong cast ng ‘2nd Miracle in Cell No. 7’ na pagbibidahan parin ni Aga Muhlach at Xia Vigor. Marami naman sa mga netizens ang naghanap sa karakter ni Bela Padilla sa naturang prequel.

Kung ating babalikan, Box Office o naging matagumpay ang 2019 MMFF entry ng Viva Films na ‘Miracle in Cell No. 7’ matapos itong kumita nang mahigit P543M sa sinehan.

Ang lead casts naman sa Miracle in Cell No. 7 noong 2019 ay sina Aga Muhlach bilang si Joselito Gopez, Xia Vigor as Yesha Gopez at ang aktres na si Bela Padilla as adult Yesha.

Kaya naman tila hinahanap ng mga netizens ang naging karakter ni Bela sa bagong entry ng Viva Films para sa 2026 Metro Manila Film Festival na ‘2nd Miracle in Cell No. 7’.

September 11, kahapon ay opisyal nang ipinakilala ang bagong makakasama ni Aga sa proyekto at ito ay si Jodi, ang kanyang leading lady na gaganap bilang si ‘Angela’.

Ang casts reveal ay naganap sa Tektite Auditorium sa Ortigas Center.

2nd Miracle in Cell No. 7 is a sequel or a prequel?

Medyo naguluhan ang mga fans kung bakit raw pinalitan ni Jodi si Bela, ang tanging sagot lang ay HINDI. Si Sta. Maria ang leading lady ni Aga sa proyekto dahil si Padilla naman ay ang kanyang anak na lumaki na.

Ang 2nd Miracle in Cell No. 7 kasi ay hindi sequel na ipapakita ang pagpapatuloy ng kwento. Ito ay prequel na ibig sabihin ay babalikan nila ang mga nangyari o ang nakaraan.

Ibig sabihin, hindi na gaanong kailangan ang karakter ni Bela sa kwento dahil naka-focus na ito sa batang Yesha at sa ina nito o sa leading lady ni Aga na si Jodi.

Ibinahagi naman ni Aga na personal choice niya talaga ang aktres na si Jodi para gumanap bilang leading lady niya.

Ani Aga : “Matagal ko na rin siyang gusto makasama talaga. When this movie was presented na gagawin, sinabi ko wala nang iba talaga. So, I wanted her, we needed her.”

Dagdag pa niya : “And maraming salamat sa Panginoong Diyos at pumayag. Maraming salamat, Jodi. Thank you for saying yes, really.”

Para naman kay Jodi, masaya siya na siya ang napili ni Aga ngunit may nararamdaman siyang pressure dahil alam niya na naging blockbuster talaga ang unang Miracle in Cell No. 7.

Ani Jodi : “Pero iba rin kasi ’yung nagtitiwala sa ’yo ’yong mga tao na kumuha sa’yo, pinaniwalaan ka nila, kumbaga tumaya sila sa’yo and, kahit papaano, gusto mo na masuklian ’yon.”

Share this article :