Menu
Kilalanin ang Cinemyr Films, ang likod sa mga viral reels online.

Isa ka rin ba sa naho-hook sa mga short reels ng Cinemyr Films sa social media?
Namamayagpag sa kasalukuyan ang Cinemyr Films, isang Filipino multimedia production house at digital studio na based sa Antipolo City, Rizal.
Laman ng kanilang mga contents online ang short films o mga drama anthology sketches na may napupulutang mga aral. Itinatag at pinamunuan ang Cinemyr Films ng kanilang founder at direktor na si Edmer Guanlao.
Si Edmer Guanlao ay isang creative visionary, video editor, director at content strategist na may matinding passion sa pag-kwento gamit ang film at digital media.
Siya ang Founder at Direktor ng Cinemyr Films at Cinemyr Media, isang multimedia production house na kilala sa paggawa ng de-kalidad at mabilisang video content, tulad ng mga AVP, commercial, short film, social media contents at full-length films.
Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 1.7M followers ang kanilang Facebook Page at halos may kalahating milyong subscribers na sila sa YouTube.
Cinemyr Films Casts : (Team Actors and Core Creative & Production Team)
- Edmer Guanlao (Director / Creator)
- Eula Mendiola Guanlao / Madam Eula (Executive Producer)
- Nanay Mara (Mara Maranan / Lead Actor)
- Badet & Majoy (Recurring character tandem of Mara Maranan)
- Arjay Bautista
- Twity Bird Velasquez
- And many more!
Narito naman ang mga komento ng mga netizens tungkol sa mga contents ng Cinemyr Films sa social media.
Anila : “I love watching movies created by Cinemyr Films, with moral lessons and trained casts.”
“Oo maganda ang mga palabas nila kc may aral at matututo k n mg timbag ng tama at mali, more more p mga cinemyr.”
Sagot naman ni Edmer Guanlao : “Thank you po, yung mga ganitong comments ang mas lalong nakakapagpa-inspire sa amin para gumawa pa ng gumawa ng pelikula para sa mga manonood. Salamat po.”
