Menu
Rovelyn Baterbonia : ‘Hindi na maibabalik ng sorry yung anak ko’.

Hindi na raw maibabalik ang buhay ng anak ni Rovelyn Baterbonia sa sorry.
Masakit para kay Rovelyn ang biglaang pagpanaw ng kanyang anak na si Rene Baterbonia matapos itong malunod sa Aurora.
Si Rene ay 19 years old, isang basketball player na nag-mula sa Ateneo de Davao at kasalukuyang player ng Ateneo de Manila University.
Si Rene ay isa sa naaksidente at nalunod sa Dipaculao, Aurora kung saan isinagawa ang kanilang team building noong June 8. Isa pang player ng Ateneo Blue Eagles player na si Divine Adili ang kasabay na nalunod ni Baterbonia.
June 10, nakausap ng media ang pamilya ni Rene at ang kanyang ina na si Rovelyn, aminado ang nagluluksang ina ng basketball player na hindi na mababalik ang buhay ng kanyang anak sa pamamagitan ng sorry.
Ani Rovelyn : “Sinabi nila na aksidente lang daw and then humihingi din sila ng sorry sa akin. Pero ayun, sabi ko, ‘Hindi na maibabalik ng sorry yung anak ko. Hindi na mabubuhay yung anak ko sa sorry niyo’. Bigyan niyo na lang ako ng [mas] clear explanation para matanggap ko sa sarili ko na aksidente lang talaga.”
Pagpapatuloy pa niya : “Ang sabi nila, bandang hita yung tubig noon. Tumatakbo sila tapos noong nagsabing go na, bigla na lang daw pumunta yung alon doon sa kanila. At first, yung mga player parang nag-e-enjoy pa kasi may malaking alon. Then, yung second and third alon, doon na parang na-scatter sila. Sabi nu’ng mga nakausap naming coaches, sobrang bilis daw ng pangyayari. Noong nasa shore na sila, hindi na raw nila makita si Rene at Adili.”
Bahagi ng kanyang pahayag : “Ang sabi nila 2:40 p.m. daw ‘yon nangyari, tapos after 30 minutes pa bago maahon yung anak ko. Binalitaan naman nila ako after one hour pa. 4:30pm ‘yung tumawag sila sa akin. Tapos nu’ng tumawag sa Messenger lang. Ang sabi lang sa akin.. ‘Yung anak niyo pong si Rene, naaksidente, nalunod’”.
Marami netizens naman ang nagsasabing baka raw ay may ‘foul play’ ang biglaang pagkalunod o pagpanaw nina Rene at Divine. Sa kasalukuyan ay hindi pa daw nila iniisip kung magsasampa sila ng kaso laban sa Ateneo.
Dagdag pa niya : “Sa ngayon, hindi ko pa yan naisip. Ang iiniisip ko pa lang ay madala ‘yung anak ko sa aming lugar.. Sa Agusan or Davao.”
