Menu
Rosmar Tan, sinupalpal si Inah de Belen.

Bakit tinawag na ‘ew’ ni Inah de Belen si Rosmar Tan?
Pumalag at sinupalpal ng content creator na si Rosmar Tan ang starlet na si Inah de Belen matapos ang ew comment nito tungkol sa kanya.
Kung ating babalikan, may isang netizen ang nag-komento sa reel video ni Inah na nalito matapos niyang mapag-kamalan na ang starlet ay si Rosmar.
Ani ng netizen : “Sorry po ha,nagtataka ako bkt nanjan si jake vargaz akala ko talaga si rosmar kung dko nbasa pangalan nag 2 tingin pa ako ang mag jowa pala talaga,, ang ganda mo pati ng damit mo.”
Dito na nag-reply si Inah at sinabing hindi niya kilala si Rosmar, sinundan pa niya ito ng komentong niresearched niya ang content creator at tinawag niya pa itong ‘ew’.
Ani Inah : “guys sino ba si rosmar hindi ko siya kilala, Naresearch ko na siya plssss don’t associate me with her ew.”
Agad na nakarating kay Rosmar ang komentong ito ni Inah at agad niyang sinupalpal ang starlet.
Ani Rosmar : “Kung maka “ew” ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?”
Dagdag pa niya : “Napa search tuloy ako di ko rin sya kilala pero filipina actress nakalagay HAHAHA mas maraming times pa ata ako napanuod sa tv kesa sakanya.”



