Menu
False teeth ni Miss Grand Thailand 2026 candidate, nahulog!

Anyare sa false teeth ni Miss Grand Thailand 2026 candidate?
Usap-usapan ng pageantry community ang pagka-hulog ng false teeth ni Miss Grand Thailand 2026 candidate sa preliminary competition.
Ang candidate para sa Miss Grand Thailand 2026 ay si Pathum Thani Kamolwan Chanago, nangyari ang insidente habang siya ay nasa mismong stage para sa kanyang self introduction.
Habang nagpapa-kilala kasi si Chanago ay biglang nahulog ang kanyang false teeth dahilan upang matigil o maantala ang kanyang pagsasalita. Agad siyang tumalikod upang ayusin ang kanyang ngipin.
Sa kabila nang pagka-hulog o pagka-tanggal ng ngipin ni Chanago, nagpatuloy parin siya at maayos na tinapos ang kanyang spiel.
Agad na nag-viral sa social media ang mga clips na nagmula sa insidente na nangyari kay Miss Grand Thailand 2026 candidate at nakakuha ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga pageant fans.
Komento ng mga netizens : “She is perfect.. whats the point of embassing her??… Love for her.”
“I thought it was aligners. why such unnatural stuff b allowed in such contest??!!! D models shud b natural in evry way.”
Dagdag pa ng isa : “Hindi nag polident si girl.”

