Menu
Xian, may payo kay Sachzna Laparan dahil sa graduation issue.

May payo si Xian Gaza kay Sachzna Laparan dahil sa graduation nito.
Nagbigay ng payo ang pambansang marites na si Xian Gaza matapos ang issue ni Sachzna Laparan sa kanyang graduation.
Kung ating babalikan, malungkot na ibinahagi ni Sachzna ang tungkol sa issue ng kanyang graduation matapos siyang akusahan ng mga netizens na binili lang niya ang kanyang diploma.
Ani ng vlogger : “Nasasaktan ako sa ibang articles na nababasa ko na sinasabing binili ko daw ang diploma ko. Una sa lahat, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa Philippine Christian University.”
Dagdag pa niya : “May tinatawag na ETEEAP program, at bago ka makapasok doon ay may qualifications pa rin. May pera ka man o wala, kilala ka man o hindi, pwede ka pa ring ibagsak.”
Dito na naglabas ng kanyang pahayag si Xian at binigyan ng payo si Sachzna na sa susunod ay wag maging pribado sa lahat na pangyayari sa kanyang buhay para hindi na magulat ang mga netizens.
Ani Xian : “Ano yung lesson na mapupulot natin mula sa Sachzna graduation issue? I-post mo lahat sa social media. Bawat yugto. Don’t keep it private. Open book dapat yung buhay mo. Para once makuha mo na ang bunga, walang magda-doubt sayo.”



