Papi Galang at Grey Crawford, binatikos sa kanilang sexy dance.

Ano ang issue nina Papi Galang at Grey Crawford?

Viral ang naging sexy dance nina Papi Galang at Grey Crawford sa isang bar sa Malate, Manila dahilan upang mabatikos sila online.

Si Grey Crawford ay ang ex-boyfriend ng social media star na si Cherry White habang si Papi Galang naman ay miyembro ng Toro Family sa ilalim ng pangangalaga ng vlogger na si Toni Fowler.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang naturang performance nina Papi at Grey sa isang bar dahilan upang makatanggap sila ng samu’t-saring batikos online.

Hindi lingid sa marami na si Papi ay may apat na anak sa kanyang kinakasama na si Harvey Panganiban, siya ay 23 years old pa lamang kaya hindi nagustuhan ng mga nakapanood ang naging asal ng vlogger.

Chika pa ng iilan na ano kaya raw ang magiging reaksyon ng mga anak ni Papi kung ang mismong mga anak na niya ang makakakita sa naturang viral video ng kanilang sexy dance.

Ani ng netizen : “Ano ang pinaggagawa mo papi sa sarili mo. nakakadiri paano naklang kung mapapanoud yan ng mga anak mo sa susunod nakkaahiya.”

Sa naturang sexy dance kasi ay makikitang nahahawakan ni Grey ang mga masisilang bahagi ng katawan ni Papi, mula sa pwet, dibdib at hanggang sa pribadong parte ng katawan ng vlogger. Pinahiga pa ni Crawford si Galang na para bang tinitira habang nasa stage.

Maging ang vlogger na si Toni Fowler ay naglabas na rin ng kanyang pagka-dismaya sa mga inasal ni Papi kahit ngayon lang raw sila hindi nag-kasama ay mukhang nakawala raw sa kanyang hawla si Galang.

Ani Toni : “Nakakasakal daw ako Eh kita mo naman pakawalan mo lang ng konti, naging PAKAWALA NA.”

Maging si Marie Fowler ay nagbahagi ng isang social media post tungkol kay Papi, binigyang linaw niya ang kantang ‘made for kids’ na inilabas noon ng Toro Family.

Paglilinaw ni Marie : “Akala ko ba ang p3p3 ay pribado? Bawal yan, bawal yan.”