Menu
Vice Ganda, pumalag sa kanyang airport video.

Naglabas ng pahayag si Vice Ganda tungkol sa kanyang airport viral video.
Viral sa social media ang video ng komedyanteng si Vice Ganda sa mismong airport na kuha ng netizen na si Jessamine Concepcion.
Sa naturang viral video, makikita na sobrang lapit ang pag-record ng netizen kay Vice na halos makita na ang mga pores ng komedyante.
Ani ni Jessamine : “Ay, si ano to ah?, artista to.. Si ano to, artista ito. Sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng Pinas? Happy New Year.”
Sagot ni Vice : “Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala, Ate eh.”
Caption ng netizen sa video : “Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya. EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko.”

Kahapon January 5, naglabas ng pahayag si Vice sa It’s Showtime matapos niyang mapansin ang isang contestant sa ‘Laro-Laro Pick’ na may hawig ito kay Jessamine, ang netizen na nag-video sa kanya.
Chika ni Vice : “Kamukha mo ‘yung babaeng nagvi-video sa akin sa airport, ‘Ay, kilala ko ‘to, eh, sikat to, eh. Sikat to eh, artista to eh.’ Echoserang hindi niya alam pangalan ko, eh, kitang-kita ko siya.”
Dito na ibinulgar ng komedyante na bago pa man mag video si Jessamine ay nakita na niya ito at narinig na sinambit ang kanyang pangalan.
Chika ni Vice : “Nu’ng nakita niya ako, sabi niya, ‘Ay, si Vice Ganda,’ tapos vini-video niya [na] ako. Ayoko nang ikuwento nang buo dahil maba-bash ka lalo, ‘Day!”
Sa kasalukuyan, burado na ang naturang viral video ni Jessamine matapos itong mabatikos ng mga netizens dahil hindi man lang niya binigyan ng privacy si Vice Ganda.



