Andrea Brillantes, lilipat na sa GMA Network?

Courtesy : Andrea Brillantes
Courtesy : Andrea Brillantes

How true kaya ang chika na magiging kapuso na ang aktres na si Andrea Brillantes dahil tatalon at mapupunta ito sa bakod ng GMA Network?

Naging usap-usapan kasi sa social media na tila’y may mangyayaring ‘over the bakod’ sa aktres na si Andrea patungo sa kapuso network pagkatapos ng kanyang huling eksena sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo.

Mukhang maliligwak na kasi ang karakter ng aktres sa nasabing serye bilang si Fatima dahil sa pagpasok ng karakter ni Maris Racal bilang si Ponggay, kaya naman marami sa mga netizens ang napatanong kung “what’s next with Andrea?”.

Ayon kasi sa ‘spill the tea’ ng isang Facebook page na Hola, tila may mga pahiwatig ang planong paglipat ni Andrea sa Kapuso Network.

Anila : “HOW TRUE? Homegrown Kapamilya talent na si Andrea Brillantes, magiging Kapuso na? Ayon sa bulong-bulungan, palihim na raw na nakikipag-usap ang aktres sa talent management arm ng GMA at anytime soon daw ay bubulaga na siya bilang isang Kapuso kung matuloy ang paglipat niya.”

Ibinahagi pa nila na tila gustong sundan ni Andrea ang yapak ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA Network dahil iisa lang pala ang kanilang manager.

Dagdag pa nila : “Matatandaang umalis na si Andrea sa Star Magic at lumipat sa talent management na nagma-manage ngayon sa showbiz career ni Bea Alonzo. Sa ngayon ay napapanuod si Andrea sa Kapamilya primetime serye na FPJ’s Batang Quiapo.”

Marami naman sa mga fans ni Andrea ang nangangamba sa magiging takbo sa karera ng dalaga kung totoo na lilipat na talaga ito sa Kamuning.

Ani ng netizen : “Edi magiging starlet na din sya? Pag lumilipat sa ibang network na dodowngrade like bea? Chaka di magaling ang PR ng gma. Paano lilinisin ang kalat nya if ever?”

“Kapag mga ganyan na lilipat baka may mga offers na siguro or may nilatag na na projects for her. Baka yung walang katapusang Marimar remake first project niya…”

“Wrong move. Nakakasira ng career ang pag lipat ng network. Learn from Bea and Claudine.” dagdag pa ng isa.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Andrea Brillantes kung may katotohanan ba talaga ang mga chika na lilipat na siya sa GMA Network.