Athena Imperial Files a Case against Nico Waje

Quezon City, Philippines – Nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at Safe Spaces Act o gender-based sexual harassment ang beauty queen at journalist na si Athena Imperial laban sa former GMA reporter na si Nico Waje.

May 13, dumulog si Athena sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City upang kasuhan si Nico.

Ang diumano’y kaso na kinakaharap ni Nico ay nasa ilalim ng Article 336 of the Revised Penal Code at Republic Act No. 11313.

Athena Imperial and Nico Waje background.

Hindi lingid sa marami na unang nakilala si Athena sa mundo ng pageantry matapos siyang koronahan bilang Miss Earth at Miss Earth-Water noong 2011.

Si Nico naman ay kasal na sa kanyang life partner at mas nakilala siya sa social media noong July 2025 dahil sa kanyang on-site live coverage noong bagyong Dante.

Nakaraang taon naman ay inulat ang tungkol sa pag-resign ni Nico sa GMA network bilang mamamahayag.

Lumabas rin ang mga balita na ang dahilan nito ay ang pambabastos niya diumano sa kanyang kasamahan sa trabaho.