Hindi na mahagilap ng mga netizens ang PBB alumni na si Shuvee Etrata sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
Hindi lingid sa marami na naging laman ng pambabatikos ang dalaga sa social media matapos lumabas ang mga lumang posts ni Shuvee online.
Una na rito ang paglabas ni Shuvee ng kanyang pahayag tungkol sa pagka-aresto ng dating pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.
Aniya : “Naiyak talaga ako kagabi [pag-aresto kay Duterte], kasi sa lugar namin.. malaki talaga ang naitulong ni PRRD, like sa drugs talaga guys.. sobrang malaking bagay [ang naitulong niya],
“hindi ko alam sa inyo.. pero sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Duterte, para sa’kin talaga guys.. na ano kasi ako ni Bongbong [Marcos], nabudol..” dagdag ng dalaga.
Agad naman na naglabas ng kanyang pahayag ang dalaga tungkol sa old video niyang ito ay sinabing natuto na siya sa mga nangyari.
Not until lumabas na naman ang old post ni Shuvee tungkol sa ABS-CBN shutdown, sa naturang post makikita ang pang-aasar ng dalaga kina Vice Ganda at Coco Martin.
Sinundan na naman ito ng old vlog ni Shuvee na may title ‘Jojowain o Totropahin’ na kung saan lumabas ang larawan ni Vice Ganda ngunit ang sagot ng dalaga ay ‘EWWW! ikaw nalang”.
Kaya naman, maraming netizens ang nagtaka kung bakit hindi na mahagilap si Shuvee sa noontime show na It’s Showtime.
Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang Youtube show na ‘Showbiz Updates’, nakarating sa kanya mula sa kanyang source na sa kasalukuyan ay nagpapahinga muna si Shuvee.
Ani Ogie : “Ang nakarating lang sa akin ay pahinga muna si Shuve, basta ‘yon ang word sa akin. Hindi ko alam kung si Shuvee ang nag-decide na ‘magpapahinga muna ako.’ Or ‘yung ‘It’s Showtime’ ang nagsabi na magpahinga muna or ‘yung GMA.”
Samantala, naglabas rin ng kanyang pahayag ang tiyuhin at manager ni Shuvee na si Yure Etrata tungkol sa mga batikos na natatanggap ng dalaga, tinawag pa nitong ‘Kakampwet’ ang mga kakampink.