Menu
UNO Digital bank, na hacked o system glitch?

Na hacked ba ang system ng Uno Digital bank?
Na-hacked o may system glitch raw ang Uno Digital bank matapos nag-karoon ng unauthorized fund transfer transactions.
Maraming clients na nagsa-save ng pera sa kanilang Uno Digital bank savings account ang nagbahagi sa social media na nagkaroon ng Instapay fund transfer sa kanilang savings noong April 4.
Ang nakakagulat pa, walang OTP na ipinadala sa kanila bago pa man tuluyang ma-transfer ang naturang pera. Anila : “Grabe 100 pesos may otp pero itong 50k walang otp? transferred agad to Maya.”
Caption pa sa Reddit : “Did anyone lose 50-100K in unauthorized transactions with Uno Bank today? I’m seeing comments on Uno Bank’s FB page regarding unauthorized transactions ranging from 50-100K. I can’t log into the app or check Gsave. this is freaking me out!”
Komento pa ng mga netizens : “I lost 50K too! I reported it immediately and had my account locked”
“Me too, reported it agad tapos nag pa lock ako ng account until ma tapos investigation nila.”
Dagdag pa ng isa : “buti nalang pinullout ko na pera ko dyan, ive always thought they were decent kahit na their app was shit. wont ever use them again.”
Agad na nakarating naman sa Uno Digital bank ang naturang issue tungkol sa mga unauthorized fund transfer transactions at naglabas ng kanilang official statement.
Ani ng Uno Digital bank : “We hear you, and we’re on it. We’re currently investigating an issue involving certain InstaPay transactions. Your funds are safe and secure.”
Dagdag pa nila : “Rest assured that any identified unauthorized transactions will be corrected and taken care within the day.”



