
TESDA Offers 220 Free Online Courses Through Online Program.
Taguig City, Philippines – Umaabot sa 220 free online courses ang pwede mong pag-aralan sa TESDA o Technical Education and Skills Development Authority dahil ito sa bago nilang program na TOP.
Tinawag nila itong TOP o TESDA Online Program. Ang maganda sa bagong programa na ito ng ahensya ay makakatanggap ka ng NC o National Certificate o di nama’y Certificate Of Completion kapag nakatapos ka ng isang kurso.
Ani TESDA Secretary Kiko Benitez : “Ito ay curated ng TESDA. Lahat ito ay puwedeng kunin nang libre. Kailangan lang ho nating piliin kung ano ang gusto nating training o kaalaman. Nandun po iyan lahat sa TESDA Online Program.”
“So, kahit na kayo ay nasa bahay, halimbawa, kumukuha kayo ng NC2 in baking na nandon din po sa TESDA Online, kailangan din po siguro na nagsasanay rin kayo kung gusto niyong makakuha ng assessment o certification sa dulo. We have many full professional NC courses kung tawagin.” Pagpapatuloy pa niya.
Ito ang mga kategoryang sakop ng TOP o TESDA Online Program.
- Information and Communication Technology (ICT)
- Tourism and Hospitality
- Agriculture and Fisheries
- Health Care
- Electrical and Electronics
- Social, Community Development and Others
- Lifelong Learning & 21st Century Skills
[Note : Allowed po kahit ilang kurso ang gusto mong kunin, kahit sabay-sabay.]
Maari mong e-download ang mga modules o gumawa ng sarili mong account sa Tesda website. Ang maganda sa online program na ito ng ahensya ay kahit nasa bahay ka man o isang OFW o Overseas Filipino Worker ay pweding-pwedi ka mag-aral sa TOP.
Ani Sec. Kiko Benitez : “Puwedeng-puwede po iyan kahit nasaan man kayo, kung kayo po ay overseas kung kayo po ay OFW, kayo po ay senior citizen at gusto pang magdagdag ng kaalaman o mag-upskill.”
