Team Ryzza Official, pumalag sa isang content creator.

Naglabas ng pahayag ang Team Ryzza Official tungkol sa content creator na si Team Rice Pa.

Hindi na natutuwa ang ina ni Ryzza Mae na si Rizza Dizon sa mga contents ni Team Rice Pa, aniya na ginagawa raw siyang katatawanan ng vlogger.

Hindi lingid sa marami na gumagawa ngayon ng ingay sa social media ang ina ni Ryzza Mae Dizon na si Rizza dahil sa vlogging, siya ang nasa likod ng Facebook page na Team Ryzza Official.

Sa kanyang pag-sikat, may mga content creators na gumagaya na sa mga content styles niya at ito ay si Team Rice Pa. Ngunit habang tumatagal, hindi na nila nagustuhan ang pangga-gaya na ito ng vlogger.

Ani Rizza : “Hindi na ako natutuwa sa content niya. Noong una, isa o dalawang video okay lang, wala naman akong problema doon. Pero nang halos gawin na niyang content ang buong pagkatao ko at gawin akong katatawanan sa mga videos niya, hindi na po iyon tama. Sinubukan pa naming kausapin siya ng maayos at pribado para maayos ang sitwasyon pero ganon padin at blinock kami.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na maging sila ay binlocked na din ni Team Rice Pa. Anila : “Nag comment ako kay team rice pa na kung wala na ba syang ibang mai content. Ngayon mukang na-block nya na ko.”

Sagot ng Team Ryzza : “It’s a tie po. Blinock din po ako”