Menu
Pregnancy ni Alex Gonzaga, tuloy na tuloy na?

Mainit na pinag-uusapan ang pregnancy ni Alex Gonzaga.
Usap-usapan online ang tungkol sa pregnancy ng vlogger at aktres na si Alex Gonzaga, mukhang tuloy na tuloy na talaga ito.
Hindi lingid sa marami na tatlong beses nang nakunan si Alex at ito ay matapang na ibinahagi niya sa kanyang mga fans at mga taga-subaybay.
Ang tatlong magkasunod-sunod na ito ay nangyari sa mga taong 2021, 2023 at 2024. Kaya kinakailangan nang mahabang pahinga ni Alex upang maihanda ang kanyang katawan sa susunod niyang pagbubuntis.
Ngayong buwan, tila napansin ng mga netizens na hindi na nagba-bahagi ang aktres ng kanyang weekly vlogs sa social media dahilan upang ma-miss siya ng mga ito.
Napansin rin nila si Alex habang nagti-TikTok live na tinatago nito ang kanyang tummy. Chika pa ng mga netizens na mukhang ayaw pa nina Mikee na isapubliko ang kanyang pagbubuntis para hindi mausog.
Ani ng netizens : “Ako lang ba yung dun sa part na yun naka focus sa tiyan?.. so happy for you, lagi ka nasa prayers ko Miss Alex Gonzaga..”
“Iba yung napansin ko confirmed na nga miss A..congrats po.”
Dagdag pa ng isa : “Nakita ko si Alex habang live sa TikTok, naiihi siya tapos hindi siya tumayo para hindi makita sa camera ang tiyan niya. nag dahan dahan lang siya umusog hanggang mawala siya sa frame ng camera tsaka tumayo,, Congrats ms. Alex. wag muna ibalita para hindi mausog.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kinukumpirma ni Mikee o maging ni Alex ang kanyang pagbubuntis.

